Wednesday, July 30, 2014

Hi and BYE guys! :)

My experience here on blogspot has been good and friendly. I've been using this since when I was in 3rd yr HS (now I am in 2nd yr College 😊) and now, I've been using Tumblr lately and that is now my active blog. If you'd like to follow me, here's my url:w i c k e d. That's all! :)

Thursday, November 7, 2013

My birthday celebration♥


I celebrated my birthday yesterday (6th day of November). So now, I'm already 16 years old♥ Sweet 16, yo ne~~ >w< So happy :')

This is what I received yesterday from my friends :")
I've been always dreaming of receiving a Nendoroid and I never thought they would be the one to gift me this thing.♥
The thing that made me more happier is that the character is Aisaka Taiga, my anime counterpart. We are almost alike. 
Thank you minna~ :') >w<



Bonding with PT1D

ORIGINAL PT-1D 2013 


Sunday, October 6, 2013

Vanity 101

















































Friday, May 10, 2013

Anong nangyari sa ating dalawa EPIC FAIL XD

HAHAHAHA :D syempre trip ko lang to at di ganun kaganda boses XD ahahaha XD
Natatawa ko. Kung ayaw niyong masira tenga niyo, wag niyong pakinggan :))

 
Piyok piyok din pag may time XD Ganyan talaga pag tag-emote XD

Saturday, May 4, 2013

Talking about love (last updated: 08/26/13)

Ewan ko bakit ito pumasok agad sa isip ko. :)) Pero bakit kaya pag yung topic ay love, nabubuhayan ng loob yung mga tao (except sa boys na iba dahil walang ibang alam na topic kundi . . . at dun lang sila nabubuhayan pag yun ang topic.. alam niyo na yan XD)



Feel free to read :) Pwede rin kayong dm/magtweet sa akin sa @LalaLeCat kung gusto niyong magpaadvise :))


Q: Paano nga ba masasabing mahal mo na siya?
A: Para sa akin, masasabi mong mahal mo na ang tao kapag apektado ka na sa nararamdaman niya. Kung saan siya masaya, doon ka na rin sasaya. Kung saan siya malungkot, doon ka na rin malulungkot.


Q: Differentiate infatuation from love.
A: Infatuation o "Infats" for short. The level next to crush. Kumbaga sa online games, naglevel up na yung feelings mo sa taong noon ay hinahangaan mo lang :)
Ang infatuation ay madalas napagkakamalan na "love". Yung iba nilandi lang sila ng crush nila for a minute or naging sweet lang sa kanya sasabihin agad na mahal na niya. NO. Not really, dre. Wag assuming! Kotongan kita eh =)) Hindi batayan ang KILIG para masabing mahal mo na ang tao.. kasi mawawala rin naman yang kilig na yan eh. TRUE. :) Hindi palaging kilig mararamdaman mo. Yang kilig na yan, mararamdaman mo lang yan kapag dumating yung time na attracted ka talaga sa tao and akala mo siya yung dahilan kung bakit, pero another NO. XD Kaya ka kinikilig dahil nagrereact yang mga chemicals sa katawan mo. Sabi nga, kapag naging kayo.. for one year, andyan pa ang "Romantic love", afterwards, "Attachment love" na lang mararamdaman mo. Kumbaga, oo.. kikiligin ka pa rin, pero di na katulad dati na sobra-sobra na halos di ka na makatulog kaiisip sa kanya. =))

Back to the topic, yun nga yung infatuation.. hindi porke gwapo lang siya, magaling sumayaw/kumanta, cute at kung ano pa man, mahal mo na agad. Atraksyon lang nararamdaman mo. Sasabihin mo sa sarili mo, "Mahal ko na ata to.. ang bait niya eh, ang gwapo pa!". Naku! Kilala mo na ba yan? :> konting traits pa lang napakita sa'yo feeling mo kilala mo na. Tapos natuklasan mo lang na mabaho hininga, may B.O., hindi matalino, may bad side (na lahat naman meron).. matuturn off ka at mawawala na yung nararamdaman mo. Yun ang infats. But once you still like him/her despite of his/her bad traits, yan na ang LOVE. Kasi tanggap mo na siya kung sino o ano man siya. Di lang sa traits na kinahuhumalingan ng marami. Meron pang isa eh, sabi ng psychologists (o kung anumang tawag sa kanila), kapag lumagpas na raw ng 4 months yung pagka-"crush" mo sa tao, mahal mo na raw.
Hindi ako naniniwala dun. Kahit abutin pa yan ng taon yang pagkakerengkeng.. este pagkacrush mo sa kanya, kung di mo pa rin naman siya ganoon kakilala, hindi pagmamahal yun. Meron kasi na umaabot ng taon yung pagkagusto dahil "NGANGA" lang sila, kumbaga hanggang tingin lang.


Siguro pwede pang totoo yung sinabi ng psychologists kung talagang close kayo at kilalang kilala niyo na ang isa't isa.
Na-differentiate ko naman na noh? :)


Q: Paano mag-move on?
A: Yan. Isa pa yan! Usong uso yan ngayon kahit di naman naging kayo (sapul!) ahaha!
Well, simple lang naman ang sagot eh. Masakit ba? As in sobrang sobra na parang feeling mo gumuguho na yung mundo mo? :o Sampal gusto mo? Para magising ka teh. Lol joke! XD
Kung nandyan pa rin yung sakit, advice ko lang.. iiyak mo lahat. Yung pag-iyak yung isa sa mga pinakamabisang paraan. Hindi yung gagamit ka ng iba para lang may masabing nakamove on na. Tuktukan ko ulo mo eh! Kalandian yan teh..

Mas maganda na iiyak mo na lahat, as in ISANG beses lang. Let it all out. Basta ipangako mo sa sarili mo na kinabukasan at sa susunod, hindi ka na iiyak. Patunayan mo teh.. na kaya mong wala siya. Nako, lalaki ulo niyan kapag ganyan. Dapat patunayan mo rin na, you're better off without him/her.


Q: Paano sumagot ng lalaki?
A: Isa pa to -_-
Paano nga ba? Para sa akin, kikilalanin ko muna nang husto. Ako kasi yung tipo ng babae na.. kahit mahal ko na, di ko pa rin sasagutin unless may napatunayan na siya sa akin na alam kong hindi na magagawa pa ng ibang lalaki. Para bongga! XD

Paano sumagot? "Oo." lang teeeh.. Pero wag basta basta oo lang nang oo. Kalandian yan. Di ka naman mauubusan ng lalaki sa mundo tapos kung makapag-long/yearn sa lalaki, wagas! Wag ganun. Tandaan mo, babae ka! At tayong mga babae, dapat kagalang galang sa mga lalaki.. walang nagseseryoso sa babaeng basta sagot lang nang sagot, at lalo na sa mga fling lang nang fling.

Iisipin kasi ng mga lalaki na madali kang makuha kaya syosyotain ka agad. Mas pinapahalagahan ng lalaki yung mga babae kapag pinaghirapan nila kaysa sa mga babaeng kusang lumalapit at nanlalandi. Kumbaga, dyamante ka dapat.. hindi ASPALTO. Ahahaha =)) SOOO mean :) Pero totoo yun.


Q: Batayan ba sa pagmamahal ang sex (o pre-marital sex)?
A: Oo :) KUNG mag-asawa na kayo.
Pre-marital sex? Iisipin niyo mahal kayo ng lalaki porke nagtututoot kayo? Gising gising din teh! Gusto lang maka-score niyan! Kung ikaw, ginagawa mo yan dahil mahal mo siya.. hindi mo kailangang gawin yan -_- unless kung kating kati ka na -_-
Wow! Di ka lang luging lugi, gumagawa ka pa ng kasalanan. Tapos ano? Iiwan ka rin. LASLAS na teh! =)) Ikaw talaga yung lugi dyan. Sa lalaki, walang mawawala. Eh sayo? Babae ka teh.. Once na nawala na yung alas mo, bihira na lang magmamahal sayo nang tapat at seryoso. Di na maibabalik yan eh.
Wag I-dominate ang lust sa love. Magbf/gf pa lang kayo eh, di pa sigurado kung kayo na talaga. Paano pag nabuntis ka? Kawawa ka naman. Wag puro sarap ah? ;) Utak utak din :)

Meron pa akong isang kakilala na mahal siya ng lalaki at nagtutoot sila.. mahal nila isa't isa pero alam mo kung anong ginawa ng lalaki? Vinideohan (video) yung pangyayari tapos pinapanood nila ng barkada niya. Di ba nakakalungkot? Na kahit mahal ka nung lalaki, pwede ka pa ring babuyin. Kaya save the BEST for LAST. :)

Q: Bakit niya ako niloko?
A: Teh, una sa lahat.. walang niloloko kung walang nagpapaloko. So, kasalanan mo rin, nagpaloko ka eh. Katulad din yan sa malalandi. Kunwari nilandi bf mo, kung di siya nagpalandi at di niya ginusto, di siya maagaw.

Sa bagay, wrong person always does the right things kaya akala nating mga babae, sila na yung Mr. Right. Kapag nagloko na 'yang bf mo, wag mo nang tanggapin, wag pakat*nga teh. Nasa ulo ang utak para makapag-isip tayo. Kaya nga di nilagay sa paa, di ba?

Q: In love with two persons, is it possible?
A: Oo teh. Posible yan. Lahat naman ng tao kayang magmahal ng more than one, ang kaso nga lang, di pantay pantay yung pagmamahal, may PINAKALAMANG talaga.
Pero teh, maawa ka sa bf mo. Di porke nagkulang siya, hahanapin mo na sa iba yung kukumpleto dun. Akala mo magiging masaya ka sa ganyan pero sa huli ikaw ang mahihirapan kasi di lang pwedeng isa lang ang mawawala, kapag di ka nakapili, pwedeng pareho silang mawala sa'yo. See?

Minsan kasi 90% nasa boyfriend mo na, tapos 10% nasa taong gusto mo.
Tingnan mo, luging lugi ka pa!
Ganyan naman kasi talaga sa relasyon e, minsan stable, minsan instable/unstable. Ganyan talaga eh.. pero as long as masaya kayo sa isa't isa, wag ka nang humanap ng iba.
Ikaw lang nagpapagulo ng sitwasyon eh.

Q: Confession issues - Paano ko masasabing gusto/mahal ko siya?
A: Ah, yan. Hanap lang ng right timing. Syempre dapat maganda yung mood niyo.. kasi kung aamin ka agad ng di maganda mood niyo/niya, boom! Sira na.

Para sa akin, kung mahal mo yung tao.. sabihin mo. Hindi yung para kang patatas dyan na nakatayo lang, stalk stalk lang.. tapos pag may nakitang kasamang iba, masasaktan, iiyak, at kung ano pang kadramahan sa buhay :))
Wag kang matakot na umamin, doesn't matter kung di kayo pareho ng nararamdaman. Mas magandang alam niya. Malay mo, pareho pala kayong may gusto sa isa't isa. Yiee :") lol! Landee ~ XD

Kung natatakot ka na baka umiwas siya, ano naman kung umiwas siya? Maarte siya kung ganun.
Ako kasi, twing may umaamin sa akin na gusto nila ako.. di ako umiiwas, lalo na kung kaibigan ko siya. Pero wag siyang aasa na magugustuhan ko rin siya..
Pero ngayong may karelasyon ako, off limits muna. Di ako nag-eentertain ng mga umaamin. Ok, okay lang umamin pero yung lalandi siya? Baka matadyakan ko pa siya eh. Ahaha! :))


Q: I love someone who's in a relationship already. Anong gagawin ko?
A: *facepalm*

Teh.. bago mo natanong yan, alam ko alam mo na yung sagot -_-

"Go for your feelings! Doesn't matter kung meron na siyang bf/gf!"
- Siguro yan gusto mong marinig? Teh, maghilod ka na lang -_-
Anong relate? XD

Kung alam mong may karelasyon na pala, off limits.
Bakit mo pa guguluhin kung masaya na sila?

**Q: I love someone who's in a relationship already. Anong gagawin ko?
***Q: Paano kung di na siya masaya sa karelasyon niya?

Teh!! Teh!! Teh!! Wag kerengkeng! -_-
Kung di na siya masaya sa karelasyon niya, hindi mo na responsibilidad yun. Wag kerengkeng -_- nako! Dami nang malandi sa Pilipinas.. ahaha! Peace
Di mo na responsibilidad yun. Desisyon niya na yun kung makikipaghiwalay ba siya o hindi. Wag makialam ah? Relasyon nila yun, hindi NIYO. BOOM!

Q: Bakit kung kailan nakita na niyang masaya ka na, saka paparamdam?
A: Ganyan naman talaga eh. Gusto niya kasi sa kanya lang atensyon mo kaya susubukan niyang kunin ulit. Tawag dyan mga taong ayaw mawalan ng nagmamahal sa kanya.

Pero let's look the other way. Maybe nagsisisi siya na iniwan ka niya dahil mahal ka pa rin niya OR bumabalik siya dahil hindi NAGSUCCESS yung panliligaw/panlalandi sa bago niyang gusto. Direct to the point yan. :)

Q: Bakit may mga manliligaw na sumasideline pa sa iba?
A: Tawag dyan, MAKATI.


**Q: Bakit may mga manliligaw na sumasideline pa sa iba?
***Q: Bakit po makati?

A: Kasi kung mahal ka talaga niya, sa umpisa pa lang, IKAW na talaga. Hindi yung mag-g-gf gf pa dahil di mo sinagot.

Q: Ang tagal ko nang nanligaw sa kanya tapos binasura niya lang din ako.
A: Nasaan yung tanong dun? LOL. Pero sige, sasagutin ko.
Tawag sa ganyan, "Paasa". Pero I'm not referring to all ah.

Minsan kasi may mga ganyan talagang sitwasyon at alam kong masakit para sa mga lalaki.
Ang akin lang, at least you tried, di ba? Atsaka isa yan sa way ni God para masabing hindi siya yung para sa'yo at may mas better! :)

Q: Tama bang ligawan ko siya kahit na hindi niya ako mahal?
A: BOOM! *salutes* I salute you bro! Hanga ako sa'yo :D
Bihira na lang yung ganyan! Hindi sarcasm to. Yung iba kasi tawag sa'yo "Tanga." pero hanga ako sa mga lalaki na handang patunayan na mahal nila yung babae kahit di sila mahal nito.

Nakakainis kaya yung lalaki na manliligaw lang dahil alam nila na may pag-asa. Mga oportunista na masarap tuktukan! Gusto instant sila agad.
Pero dre, tama yan! Malay mo.. hindi ka man niya mahal ngayon, sa future, sa pagti-tiyaga mo, mahalin ka rin niya. Yieee :"> XD Ako pa kinilig ah :))
Kung hindi ka man niya mahalin, ok lang yan. At least di ba.. hindi ka naduwag. Atsaka napatunayan mo sa sarili mo na lalaking lalaki ka. Na ginawa mo lahat para sa mahal mo. Di katulad sa iba na makerengkeng. Hmph -_-

Q: Turuan mo ko wag mabilis ma.fall sa girl maski study shows na mabilis talga ma fall ang lalaki
A: Haha! Parang nahihiya akong mambara na mag-advise dito kasi kaibigan ko nagtanong XD Sadyang mabilis mainlove yung mga lalaki.. nasa instincts niyo eh. Makakita nga lang kayo ng chix, mapapatingin na kayo ><
Men are polygamous by nature.. kumbaga, marami kayong crushes and everything and di kayo nakukuntento sa isa (di ko nilalahat) unless nakita niyo na si "The One". Payo ko lang para di ka mabilis mafall, wag kang makipag-usap sa girl na alam mong attracted ka na kasi lalong lalala. Just like the other says, keep yourself busy :v
Kaso kung yung result ay the other way around, na imbes na nabura yung nararamdaman mo, lalo pang lumala.. nasa sayo na yan pre XD
Gumimik ka with friends and ituon mo sarili mo sa pag-aaral, wag puro kerengkeng XD Di ka naman mafafall kung di mo ginusto XD


Hanggang dito muna :) hehe

Friday, May 3, 2013

My second gwiyomi :)

Hey guys ~ ♥ This is my 2nd gwiyomi. The first one is on my main blog :) [old blog rather]

LOL I know it looks awkward HAHAHA XD Just for fun :D

 
blog template by suckmylolly.com